Posts

Showing posts from March, 2022

Poot

Ilaw ng tahanan ang kanilang pangalan ,sumisimbolo sa liwanag at kasiyahan .Laging nariyan sa gitna ng kalungkutan o kagipitan man .Isang matatag at mapapagkatiwalaan sa lahat.Pano kung sa iyong sarili ay iba ang tingin o nagbago na ang iyong pagtingin sa ilaw ng tahanan ng iyong nakasanayan noong bata pa lamang. Bilang isang anak may mga bagay tayong nadisikubri at mas lalong naiintindihan natin ito.Simula nong elementarya naging problema ko noon ang pagkakaroon ng komunikasyon sa aking ina ,akoy takot ,at ayaw kung nariyan ako sa kanyang tabi . Apat kaming magkakapatid panglawa ako pero ramdam ko na hindi ako kabilang sa pamilyang nabuo ,pero dahil noon bata pa ako hindi ko alam kung ano talaga ang aking nadarama.panay lapit ko sa aking ina pero sa tingin ko siya ay lumalayo at palagi nalang mainit ang kanyang dugo sa akin. Araw -araw nilalakad ko ang marumi at mabahong daan papuntang paaralan gamit ang isang pares ng tsinelas na may butas at may nakasabit na tali ,saya na walang p...