Poot

Ilaw ng tahanan ang kanilang pangalan ,sumisimbolo sa liwanag at kasiyahan .Laging nariyan sa gitna ng kalungkutan o kagipitan man .Isang matatag at mapapagkatiwalaan sa lahat.Pano kung sa iyong sarili ay iba ang tingin o nagbago na ang iyong pagtingin sa ilaw ng tahanan ng iyong nakasanayan noong bata pa lamang. Bilang isang anak may mga bagay tayong nadisikubri at mas lalong naiintindihan natin ito.Simula nong elementarya naging problema ko noon ang pagkakaroon ng komunikasyon sa aking ina ,akoy takot ,at ayaw kung nariyan ako sa kanyang tabi . Apat kaming magkakapatid panglawa ako pero ramdam ko na hindi ako kabilang sa pamilyang nabuo ,pero dahil noon bata pa ako hindi ko alam kung ano talaga ang aking nadarama.panay lapit ko sa aking ina pero sa tingin ko siya ay lumalayo at palagi nalang mainit ang kanyang dugo sa akin. Araw -araw nilalakad ko ang marumi at mabahong daan papuntang paaralan gamit ang isang pares ng tsinelas na may butas at may nakasabit na tali ,saya na walang plantsa at kahit nfa sapatos wala ako.pero okay lang naman ang importante ay maging Honor students ako .pero yun palay ako lang ang nakakaalam at kumikilos. Panay ang iyak ko sa kakahanap ng magulang ko sa panahon ng kailangan ko sila sa simpleng pagsulpot sa meeting ay hindi pa magawa. Nang tumungtung ako sa Secondarya ,naging independente ako walang magulang sa aking kiliran .walang masasabihan ,maiiyakan o anuman .sa isang Linggo ko 150 pesos lamang ang allowance ko gigising ng alas 4 maliligo na walang shampoo kakain na walang ulam ,bibihis na walang plantsa at walang labang medyas dahil isa lang ang aking uniporme Sa apat na taon kung nawalay walang ina akong nakita.sa telepono ay panay ang kanilang usap pero ako ay nasa sulod sabay sabi okay lang po ako .Kahit na hi di lalakad ng umaga at uuwi na lalakad din Puro lungkot ang aking nadarama ,parang kinalimutan na ako ng aking ina. Isa sa pinakasakit na araw ay makatungtung sa entablado na mayroong malaking marka ang nakuha nariyan ang ina pero hindi ako sinamahan sa paglalakad akoy yumuko ,umiyak sabay sabi okay lang ako sge lang patuloy parin ako. Puno ng puot ang aking puso hanggang ngayon hindi ako sanay na nariyan sya na kausap ko , mas gusto ko na ako lang Ganon parin ang paraan niya .pero ako patuloy lang .Pinakamasakit sa lahat yung ginawa mo na ang lahat pero wala parin silang pakialam .Hindi ko naramadaman na naging anak nila ako o naging proud sila sa akin.dahil sa lahat nga anggulo hindi nila ako kailangan Pero sige lang kakayanin ko

Comments